Nabigo ang hustisya at demokrasiya.
Ganito inilarawan ng online news site na Rappler ang hatol na “guilty” sa kanilang CEO at executive director na si Maria Ressa at dating researcher na si Rey Santos dahil sa kasong cyber libel.
Sa ipinalabas na pahayag ng Rappler, kanilang sinabi na magtatakda ng mapanganib na precedent o pamantayan hindi lamang sa mga mamamayahag kundi maging sa lahat ng mga nag-o-online ang hatol sa kaso.
Anila, ipinahihiwatig ng kaganapan ngayong araw ang kabawasan sa kalayaan at karagdagang banta sa democratic rights na ginagarantiyahan dapat ng konstitusyon lalo na sa konteksto ng napipintong anti-terrorism law.