Iginiit ng Malakaniyang na hindi na maaaring pumasok ang Rappler Reporter na si Pia Ranada – Robles sa loob ng Palasyo hangga’t wala itong nakukuhang TRO o Temporary Restraining Order mula sa Korte.
Ito ang nakasaad sa isinumiteng liham ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga opisyal at miyembro ng MPC o Malacañang Press Corps matapos kumpirmahin nito na si Pangulong Rodrigo Duterte nga ang nag-utos na pagbawalang pumasok si Ranada – Robles sa paligid ng Palasyo.
Binigyang diin ng kalihim na hindi papapasukin sa loob ng Palasyo si Ranada – Robles sa lahat ng mga event sa Malakaniyang hangga’t hindi nakasusunod ang Rappler sa mga hinihinging reketitos ng SEC o Securities and Exchange Commission.
Paglilinaw pa ni Roque, walang pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag dahil kung tutuusin aniya, maaari nang pagbawalan si Ranada – Robles nuong ilabas ng SEC ang kautusan nito na nagkakansela sa rehistro ng Rappler.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio