Hindi pa makapagbigay ng kongretong pahayag ang Malakanyang hinggil sa namataang Chinese warships sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi City na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, kailangan munang malaman kung ano ang dahilan o pakay ng ginawang pagdaan doon ng mga nabanggit na Chinese vessels.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakababahala ang ulat na ito na kanilang natanggap mula sa Western Mindanao Command.
Bunsod nito, blangko pa umano si Panelo kung tatalakayin ba ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Pres. Xi Jinping ang isyung ito sa kanilang muling pagkikita sa China.