Walang nakikitang dahilan ang palasyo upang tanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong palawigin ang voter registration period para sa 2022 elections.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ipinasang batas ng dalawang kapulungan ng Kongreso na “isang buwang extension” ng voter registration.
Ayon kay Roque, hindi pa nakararating sa Malakanyang papel pero wala silang nakikitang hadlang maliban na lamang sa pag-aaral ng legal department ng Office of the Executive Secretary na may legal objection.
Ang voters’ registration para sa eleksyon 2022 ay magtatapos bukas, Setyembre 30.
Bagaman tiniyak ni COMELEC Spokesman James Jimenez ang pagtalima sa ipapasang batas, mauurong naman ang schedule of activities kung palalawigin ang registration. —sa panulat ni Drew Nacino