May pag-aalinlangan ang Malakanyang sa desisyon ni Vice President Leni Robredo na ipagpaliban ang mga natuklasan nito sa kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno.
Matatandaang ngayong araw sana ilalabas ni Robredo ang kanyang ulat ngunit ipinagpaliban niya ito kasunod ng pagtama ng 6.9 magnitude na lindol sa Davao del Sur.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bakit kaya nagtatagal ang pangalawang pangulo sa kanyang iaanunsiyo gayong sinabi naman ng Pangulong Rodrigo Duterte na handa siya sa anomang magiging pagbubunyag nito.
Posible aniyang wala naman talagang ilalabas si Robredo.
Bring it on! Whatever you want to come out with! Mahirap kasi kapag wala ka naman talaga ilalabas, at nag-iisip ka pa kung ano ilalabas mo eh talagang matagal.
Bahagi ng pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo.