Posibleng magtaas ng rates ang ilang shipping companies sa bansa kasabay ng sunod-sunod na taas-presyo sa langis.
Ayon kay Robert Empedrad, administrator ng Maritime Industry Authority (MARINA), malaki ang epekto ng oil price hike sa mga ship owners, dahil nasa 40 hanggang 50 percent ito ng kanilang operational cost.
Dahil dito, inaasang maglalaro sa 25 hanggang 50 pesos ang itataas sa rates ng ilang kompanya.
Pero gayunman, tiniyak ni empedrad na patuloy silang aapela sa mga kompanyang magtataas, na huwag itong gawing 100 percent dahil sa magiging epekto sa mga pasahero.—sa panulat ni Abby Malanday