Nanawagan ang pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa online video streaming na Netflix at iba nitong kahalintulad na platform na gayahain ang rating system na umiiral sa bansa.
Ayon kay MTRCB Chair Rachel Arenas, hindi pag-regulate ang naturang hakbang, sa halip isa itong co-regulation o pagtutulungan ng dalawang panig.
Mababatid na may pitong rating category ang pelikula at TV shows sa bansa.
Iginiit naman ni Arenas, na mismong Netflix at iba pang online video streaming ang lumapit sa ahensya para itanong kung ano-ano ang mga batas na dapat nilang ipatupad.