Inaasahang aangat pa ang rating ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga Presidential survey.
Base sa Political Analyst na si Professor Prospero de Vera, UP Vice-President for Public Affairs, posibleng tumaas pa sa 16% ang maaaring makuha ni duterte sa Pulse Asia Survey mula sa dating 12%.
Aniya, bukod sa Mindanao ay patuloy rin sa pagadami ang mga bumibilib sa akalde sa Visayas dahil sa kakaibang tapang nitong humarap sa mga isyu katulad na lamang ng pagsagot agad nito sa pahayag ni Department of Justice Secretary Leila de Lima na may pananagutan siyang kriminal.
Ito’y kasunod ng pag-amin umano ni Duterte na may alam siya sa tinatawag na Davao Death Squad (DDS).
Giit ng alkalde, ang ibig niyang sabihin sa DDS ay Davao Development System na tumututok sa pagpapaunlad sa lugar.
By Mariboy Ysibido