Kapansin-pansin sa social media platforms ang pagiging close at pagiging sweet sa isa’t-isa ng singer na si Julie San Jose at dancer na si Rayver Cruz bagay na nagpakilig sa mga netizen.
Ayon kay julie, okay at aprubado sa kaniyang pamilya si Rayver kaya masaya ang kaniyang buhay lalo na ang kaniyang puso.
Sinabi pa ng singer na welcome si Rayver sa kanilang bahay kung saan, mas nag eenjoy siyang kasama ito lalo na sa music at pag-gigitara.
Sa ngayon hindi pa malinaw at wala pang opisyal na pag-amin ang dalawa, kaugnay sa totoong estado ng kanilang relasyon.