Pinag-uusapan ngayon ang recent Instagram post ng aktor na si Rayver Cruz kung saan makikita sa larawan na kasama niya ang aktres na si Janine Gutierrez sa isang birthday party.
Dahil sa tila sweet gesture ni Rayver na nakasandal sa balikat ni Janine ay super curious ang mga netizen kung nagde-date na nga ba ang dalawa.
Nang tanungin sa isang interview ang ina ng aktres na si Lotlot de Leon kaugnay sa napapabalitang bagong kasintahan ng anak sinabi nitong kung saan masaya ang anak ay okay sa kanya, aniya ang mahalaga ay hindi niya makitang nasasaktan si Janine.
Idinagdag ni Lotlot na kilala niya si Rayver na isang mabuti at mabait na tao na nakasama na rin niya sa ilang proyekto sa ABS-CBN.
Sinabi ni Lotlot na sa ngayon ang alam niya ay mag-kaibigan ang dalawa at kung anuman ang susunod pa doon ay ang aktor na aniya ang dapat tanungin sa nasabing isyu.
Si Rayver ay una nang na-link kina Cristine Reyes at MJ Lastimosa habang si Janine ay kakahiwalay lang sa dating boyfriend nitong si Elmo Magalona. —AR
*Photo: Screengrab from: rayvercruz / Instagram