Inamin ni Rayver Cruz na nililigawan niya ang Kapuso Star na si Janine Gutierrez.
Ayon kay Rayver, lumalabas sila ni Janine at nais muna nila aniyang mabuo ang tiwala nila sa isa’t isa bago pumasok sa isang relasyon.
Nangako naman si Rayver na aaminin niya kapag sinagot na siya ni Janine o girlfriend na niya officially ang apo ni Superstar Nora Aunor.
Sinasabing nakitang nanood ng sine sina Rayver at Janine noong isang linggo at nakasama na rin ng aktres ang Kapamilya actor sa isang family event ng lolo nitong si Christopher Boyet De Leon.
Si Rayver ay kapatid ni Rodjun Cruz na kasama ni Janine sa drama series nito sa Gma 7 na Legally Blind.
Una nang inihayag ni Rodjun na boto siya kay Janine para sa kaniyang kapatid at umaasa siyang magiging magkasintahan ang dalawa na aniya’y pawang magaganda at pogi at mababait na tao.
By Judith Larino