Pinuri ng Filipino billionaire at ports tycoon na si Enrique K. Razon Jr. ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagiging kaaya-aya nito sa mga negosyante, partikular na sa sektor ng enerhiya.
Sa isang panayam, binigyang-diin ni Razon na namumuhunan silang mga negosyante dahil inaalagaan ni Pangulong Marcos ang investment environment ng bansa.
“Kaya kami nag-decide mag-invest nang malaki, kasi nakikita namin na ang policy na inilalagay ni BBM ay makakabuti sa investment environment,” saad ni Razon.
Pinabulaanan din niya ang pahayag ng mga kritiko na nawawalan na umano ng tiwala ang investors sa bansa.
Ibinahagi rin ng tinaguriang “Ports King” na mahalaga ang mga polisiya ng pangulo tungkol sa pamumuhunan.
“Ngayon, naglalagay sila ng mga policy. Dati wala, kung anu-ano na lang. Ngayon nagtatayo sila ng framework para sa tamang policy para maayos lahat ng problema,” ani Razon.