Nagsanib-pwersa ang Robinsons Bank Corporation (Rbank) ng Gokongwei Group at Bank of the Philippine Islands (BPI) ng Ayala Group para makapaghatid ng mas magandang serbisyo sa mga customer nito.
Sa inilabas na anunsyo ng 2 commercial bank kahapon, September 30, paiigtingin nito ang overall banking experience, products and services ng corporate and retail clients sa 190 branches ng Rbank, 393 ATMs at online and mobile banking channels katuwang ang BPI na may 1, 181 branches at 2, 398 ATMs.
Ipagpapatuloy naman ng Rbank ang operasyon at dedikasyon nito sa mga kliyente habang hinihintay ng 2 kompanya ang ilang regulatory approvals para sa legal merger.
Samantala, patuloy na magbibigay ng abiso ang Rbank sa official website nito na robinsonsbank.com.ph kaugnay sa mga pagpapapubuti ng sistema ng banko.