Inendorso na ng Regional Development Council-Central Visayas sa National Government ang sampung priority projects para sa mga lalawigan ng Cebu, Bohol, Siquijor at Negros Oriental.
Pinaka-malaking proyekto ang Metro Cebu Integrated Flood Control and drainage system master plan na popondohan ng 2.2 Billion Pesos.
Inendorso rin ng RDC ang proposal na magsagawa ng feasibilities studies na nagkakahalaga ng 60 Million Pesos para sa pagpapatayo ng tatlong tulay sa Central Visayas na magdurugtong sa Cebu at Bohol; Leyte at Bohol at Cebu Negros Oriental.
Kabilang din sa mga inendorso ang 1.3 Billion Peso project para sa pag-upgrade ng Mactan Road Network.
Umaasa naman ang RDC na mapapabilang ang kanilang mga proyekto sa panukalang national budget para sa susunod na taon.
By Drew Nacino