Ipinabatid ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nagkaruon ng amendments sa national Expenditure Program ng Department of Budget and Management (DBM) kung saan ang pinakamalaking bahagi ng P9. 2-B ay mapupunta sa Department of Agriculture.
Sinabi ni Cayetano na ang P7-B ay para ipambili ng palay at P500-M ay para sa Quick Response fund ng Department of Agriculture (DA).
Tatanggap naman ng dagdag na P800-M ang Department of Education (DepEd) habang tig P200-M ang Department of Health (DOH) at Philippine General Hospital (PGH).
Ang Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) ay magkakaruon ng dagdag na pondo na P500-M gayundin ang para sa National Electrification at MMDA.
Mayruon ding dagdag na halos P275-M na ilalaan sa Department of Transportation (DOTr) na gagamitin sa Davao International Airport habang P250-M na dagdag pondo ang mapupunta sa Dangerous Drugs Board (DBB).
Ibinawas ito para sa Right of Way claims ng DPWH at sa nakatakda sanang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo ng susunod na taon.