NAGHAHANDA na ang Philippine National Police o PNP para sa gagawing rotation o palitan ng mga tao nila sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda ngayong papalapit na Halalan
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/LtG. Dionardo Carlos nang tiyakin nito na mananatili silang non partisan o walang kinikilingan lalo’t painit na ng painit ang batuhan ng putik sa larangan ng pulitika
Ayon kay Carlos, kaya naman kabilang sa kanilang mga paghahanda ay ang rotation upang maiwasan aniya ang familiarity ng mga pulis sa kanilang nasasakupan at upang hindi maimpluwensyahan ng mga kandidato
Sa ilalim ng rotation, ililipat ang isang pulis na matagal nang nakadestino sa isang lugar gayundin ay kung may ka-anak ang isang pulis na kakandidato sa lugar kung saan sila nakatalaga
Gayunman, nilinaw ng bagong PNP Chief na maliit na porsyento lamang ng kanilang mga tauhan ang apektado ng ipatutupad nilang rotation subalit nagkakaroon na sila ng accounting of personnel kung sinu-sino at ilan ang mga tatamaan nito