Posbileng magkaroon ng re-enacted budget para sa susunod na taon.
Ito ang nakikita ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos manindigang hindi nila papayagan ang nais ng Senado na baguhin nila ang kanilang bersyon ng General Appropriations Act o GAA.
Hindi magkasundo ang Kamara at Senado partikular sa pagtapyas sa halos 51 billion pesos na budget ng Department of Public Works and Highways o DPWH samantalang kinukuwestyon ng Kamara ang realignment ng Senado sa 900 million peso anti-drug campaign budget at 500 million pesos para sa drug program ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Target ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso na maipasa ang halos apat na trilyong pisong 2018 national budget bago mag-Pasko.
—-