Posibleng mauwi sa re-enacted ang budget ng gobyerno sa 2019.
Kasunod ito ng desisyon ng Kamara na huwag suportahan ang cash-based budgeting na nais ng Department of Budget and Management o DBM at ibalik sa obligation-based budgeting system.
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, posibleng hindi magkasundo ang Kamara at DBM kung magmamatigas ang kagawaran sa isinusulong nitong sistema.
Pero paglilinaw ng kongresista, maaaring masunod ang gusto ng DBM kung papayag itong itaas ang ceiling ng alokasyon ng mga ahensya.
Sa cash based budgeting system, isang taon lamang ang validity ng pondo ng ahensya at obligadong gugulin ang mga nakalaang pondo habang sa obligation based budgeting sinasabing mas makakakilos ang mga ahensya kung saan maaaring magpatupad ng proyekto kahit sa susunod na taon pa bayaran o pondohan.
Cash-based budgeting
Maging ang ilang ahensya ng gobyerno ay pumalag sa cash-based budgeting na isinusulong na pamamaraan ng DBM.
Sa naging budget briefing ng Department of Public Works and Highways o DPWH, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar mabigat na hamon ang cash-based sa dami ng proyekto na aabutin ng maraming taon bago matapos.
Maapektuhan aniya nito ang kanilang pagtaya sa kanilang mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build program ng gobyerno.
Sinabi naman ng Commission on Higher Education o CHED na posibleng maapektuhan ang free higher education sa cash-based budgeting.
Ayon kay CHED-OIC Prospero de Vera, maaapektuhan ng one year validity ng pondo para sa libreng edukasyon at scholarship.
Tatamaan din nito ang mga pribadong higher education institution dahil mawawalan sila ng pantugtog sa kanilang operasyonn kung walang continuing allocation.
—-