Isinusulong ni Senate Committee on Public Order and Danegrous Drugs Chairman Senator Panfilo Lacson na magkaroon ng re-enactment sa pagpatay sa 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz.
Ito’y ayon kay Lacson makaraang hindi magtugma ang ilan sa mga testmoniya ng taxi driver na si Tomas Bagcal at ang saksing itinago sa pangalang Joe Daniel sa pagdinig ng senado noong Lunes, Oktubre 2.
Ayon kay Lacson, mahalaga ang naturang re-enactment dahil dito aniya makikita kung sino ang mas kapani-paniwala sa dalawa na kapwa naglahad ng kanilang mga nalalaman hinggil sa krimen.
Dapat talaga tingnan din ng mabuti ng DOJ, ng prosecutor kung sino ang credible doon sa dalawa.
I think kailangan mag re-enactment sila kasi kung walang re-enactment mahihirapan.
Dapat talaga tingnan ‘yung mga relative condition nila noong sinasabi nila nan a-witness nila ‘yung pangyayari.