Binalikan ng NBI o National Bureau of Investigation ang pinangyarihan ng umano’y engkuwentro nina Carl Angelo Arnaiz at mga Pulis – Caloocan sa C3 Road.
Isang crime scene reconstruction ang isinagawa ng NBI para iberepika ang mga impormasyong nakasulat sa police spot report.
Nagsagawa rin ng re-enactment ang NBI kaugnay sa palitan ng putok kung saan sinasabing nagtago ang mga pulis sa poste ng kuryente nang paputukan sila ni Arnaiz.
Hindi naman natapos ang reconstruction dahil hindi pa natatanggap ng NBI ang autopsy report ng PNP o Philippine National Police hinggil sa labi ni Arnaiz.