Muling pinalagan ng Simbahang Katolika ang pag-re-file sa 19th Congress ng divorce bill.
Iginiit ni Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Public Affairs Committee, lalong makasisira sa pundasyon ng pamilya ang diborsyo.
Tugon ito ni Secillano matapos ihain ni Albay Rep. Edcel Lagman ang House Bill 78 o “Absolute Divorce Act” sa paniniwalang ito ay karapatan ng kababaihan.
Ayon kay Secillano, nakalulungkot na may ilang mambabatas na mas nakatutok sa pagsira sa kasagraduhan ng kasal sa halip na pagtibayin at ayusin ang pagsasama ng mga mag-asawa.
Binigyang-diin ng opisyal ng simbahan na dapat pagtuunan ng mga mambabatas ang mga programang tutugon sa tunay na problema ng bansa gaya ng kahirapang pinalala ng pandemya na labis naka-apekto sa ekonomiya at mga mamamayan.