Nilinaw ni Congressman Jim Hataman-Saliman, Chairman ng House Committee on Muslim Affairs na hindi nakadepende sa kanyang komite at sa Committee on Public Order ang muling pagbubukas sa imbestigasyon sa Mamasapano encounter.
Ayon kay Hataman – Saliman, ang posibleng pagre-review sa imbestigasyon sa engkuwentro ay kailangang pagpasyahan ng buong Kamara, at hindi ng iilan lamang.
Samantala, hindi pa din masabi ni Hataman – Saliman, kung kailan nila ilalabas ang resulta ng kanilang ginawang imbestigasyon sa engkuwentro na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF).
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)