Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magkakaroon ng re-investigation sa kontrobersyal na PDAF o Pork Barrel Fund Scam.
Ayon kay Aguirre, lilikha siya ng bagong panel of prosecutors na mangunguna sa pagbubukas ng panibagong imbestigasyon sa PDAF Scam.
Naniniwala aniya siya na nagkaroon ng selective justice sa pagkakasampa ng kaso laban sa mga pulitiko na umano’y nakinabang sa maanomalyang paggamit ng pork barrel fund.
Sa ngayon, ayon kay Aguirre, kailangan nila ang affidavit ni Janet Lim Napoles na gagamitin niyang batayan sa pagbuo ng DOJ panel.
Matatandaang sa kasagsagan ng imbestigasyon sa PDAF scam ay tatlong senador ang naipakulong ng Aquino Administration na kinabibilangan nina dating Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, samantalang ilang kaso naman laban sa ilan pang mga mambabatas ang nakabinbin sa Ombudsman at sa Sandiganbayan.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo