Ikinukunsidera ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng re-organization ng PNP Internal Affairs Service para mas mapalakas pa ang kapasidad nito.
Kasunod ito ng nabuong kasunduan nina PNP Officer in Charge Lt. General Archie Gamboa at IAS Inspector General Alfegar Triambulo matapos ng kanilang naging pagpupulong.
Ayon kay Triambulo, nangako sa kanya si Gamboa na ilalatag sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang panukalang muling isaayos ang IAS para madagdagan pa ang mga tauhan nito.
Sinabi ni Triambulo, tapat at desidio aniya si Gamboa na ipatupad ang panukala.
Magugunitang hinikayat ni Triambulo ang Kongreso na amiyendahan ang Republic Act 8551 o PNP Reform and Organization Act para maihiwalay sa PNP Chain of Command ang IAS at maging independent body.