Nagsagawa ng re-supply mission sa Ayungin Shoal ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines-Western Command para abutan ng tulong ang mga sundalong naka-puwesto at patuloy na nagbabantay sa teritoryo ng bansa.
Ayon kay WESCOM Commander Vice Admiral Alberto Carlos, kanilang inihatid ang mga suplay na kailangan ng mga tropa ng militar sakay ng Barko ng Republika ng Pilipinas o ang BRP Sierra Madre malapit sa Military Garrison ng China sa mischief reef.
Nabatid na ang BRP Sierra Madre ang nagsisilbing outpost o military facility ng bansa na malapit umano sa Palawan.
Layunin nitong, matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan nating sundalo na patuloy na lumalaban at pinoprotektahan ang ating teritoryo laban sa mga bansang mananakop.