Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na isailalim sa re-training ang mga scalawag na pulis.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahaharap sa suspensyon ang mga mahuhuling pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidad upang matiyak na malinis ang ranggo ng pambansang pulisya.
Masasayang lamang anya ang pondo ng taumbayan kung sasailalim sa retraining ang mga bugok na pulis.
Samantala, hindi rin ligtas sa supensyon ang mga opisyal at tauhan ng NBI o National Bureau of Investigation na mapatutunayang sangkot din sa mga iligal na aktibidad.
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Duterte may babala sa sinasabing Korean Mafia
Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing Korean Mafia na nasa likod umano ng pagpatay sa kapwa Koreanong negosyante na Si Jee Ick-Joo.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung ipagpapatuloy ng mga dayuhang sindikato ang kanilang iligal na aktibidad sa bansa ay hindi tiyak na mapapatay din ang mga ito ng mga otoridad.
Pakinggan: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Sa kabila nito, tiniyak ng punong ehekutibo ang kaligtasan ng mga dayuhan lalo ng mga South Korean sa Pilipinas.
Pakinggan: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino