Hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa resignation ni Department of Trade and Industry Secretary Gregory Domingo.
Sa ngayon, hindi pa batid ng mga tagapagsalita ng Malakanyang ang dahilan ng pagbibitiw ni Domingo.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala namang nababanggit si Domingo na mabibitiw ito sa pwesto nang magkita sila sa palasyo.
Sinabi ni Valte na malaki ang papel ng DTI sa ginagawang paghahanda sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC meeting sa Nobyembre kaya’t aalamin nila ang tunay na rason ng resignation nito.
Una rito, napaulat na napagod na umano nang husto si Domingo kaya’t nagdesisyon itong magbitiw sa official family ng pangulo.
By: Meann Tanbio