Nagpahayag pa ng kani-kanilang reaksyon ang ilang Senador hinggil sa bumabang bilang ng mga Pilipino na nasisiyahan sa war on drugs ng administrasyon batay sa pinakabagong survey ng SWS o Social Weather Stations.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, lumalabas na ngayon ang kahinaan ng istratehiya ng pamahalaan sa paglaban sa iligal na droga.
Dagdag pa ng Senador, nababahala na rin maging ang mga dating pinuno ng bansang Colombia kung saan sinunod ang nasabing taktika ng gubyerno.
Ngunit para kay Senate Majority Leader Tito Sotto maliit na porsyento lamang ang ibinaba ng survey kaya’t walang dahilan para mabahala.
Pitumpung porsyento pa rin aniya ang nananatiling kuntento sa ginagawa ng administrasyon ngunit dapat pa ring maging hamon iyon sa mga awtoridad.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno