Ikinatuwa ng Malacañang ang naging hakbang ng PAL o Philippine Airlines na magbayad ng tinatayang anim na bilyong Pisong buwis sa pamahalaan.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng DOTR o Department of Transportation ang ginawang pagbabayad ng PAL sa MIAA o Manila International Airport Authority at CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malaking tulong ang nasabing halaga para sa mga proyektong isinusulong ng pamahalaan lalo na sa pagpapalago ng ekonomiya.
Kasabay nito, hinikayat din ng palasyo ang lahat ng mga mayayaman na isantabi ang pansariling interes upang maitaguyod ang isang bansang nararapat para sa susunod na henerasyon.