Pathetic narrative na puno ng kasinungalingan at malinaw na diversionary tactic.
Ito ang reaksyon ni Senador Risa Hontiveros sa alegasyon ng abogado ni Pharmally Pharmaceutical Corporation Officer Linconn Ong na binayaran o sinuhulan ng kanyang tanggapan ang lumapit sa kanilang warehouse man ng Pharmally na nagsabing pinalitan nila ang expiry date o production date ng face shields.
Sinabi ni Hontiveros na hindi nila papayagan ang paninira at pambababoy sa katotohanan na ginagawa ni Atty. Ferdinand Topacio na posibleng kasuhan nila.
Iginiit ni Hontiveros na nais ng kampo ni Ong na ilihis ang atensyon ng publiko matapos nilang isiwalat ang nagpapalakas pa sa iregularidad sa transaksyon ng Pharmally sa gobyerno.—sa ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)