Hindi kaila ang tagumpay ng teleseryeng on the Wings of Love o OTWOL ng Kapamilya network.
Maging ang bumidang loveteam dito ang JaDine na sina Nadine Lustre at James Reid ay lalong tinangkilik at kinakiligan ng maraming tagahanga.
Lalo pa’t kasunod na rin nito ang tuluyang naging makatotohanan nilang relasyon.
Inamin ng dalawa na hirap silang lumabas para mag-date gaya ng normal na magkasintahan.
Sinubukan nilang mag-disguise ngunit bigo ang mga ito at nakikilala pa rin sila.
Kuwento ni Nadine sa isang panayam, umuubra ang pagca-cap niya minsan pero si James kahit naka-mask na at naka-hoodie ay nakikilala pa rin.
Gayunman, umaasa pa rin ang dalawa na magkaroon ng pribadong oras para sa iasa’t isa.
By Jenny Valencia