Usap-usapan ngayon sa social media ang binansagang “Real life Ibong Adarna” na nakuhanan sa isang isla sa Antique.
Ang nasabing ibon ay tinatawag na Golden Phesant o hango sa ancient green na “chrysolophus” o “with golden crest” at pictus na tinatawag sa latin na “painted” o “to paint.”
Ito ay isa sa mga inaalagaan ng mga taga-antique at matatagpuan sa Semirara Island, Caluya, Antique.
Kilala din ito bilang Chinese Pheasant at Rainbow Pheasant, na karaniwan namang nakikita sa bulubunduking bahagi ng Western China at bihira namang makita sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero