Planong magtatag ng Philippine National Police (PNP) ng real time live streaming data sa buong kapuluan kung saan puwedeng ma-monitor ang mga kaganapan sa drug operations at iba pang operasyon ng PNP.
Magkakaroon ng central data sa headquarters at national management and monitoring center sa 17 rehiyon at 81 lalawigan sa bansa.
Ayon kay PNP Officer In Charge Lt General Archie Gamboa, karugtong ito ng pagbili nila ng body cameras na ang pangunahing layunin ay magkaroon ng transparency sa kanilang drug operations.
Gayunman, maaari anya nilang magamit ang mga live streaming para makita ang aktwal na execution ng drug operations at mabago ang panuntunan nila hinggil dito kung kinakailangan.
The PNP will not only procure body cameras but the sophisticated, reliable and secure system which will allow complete system management, real time live streaming, data storage and back-up and overall connectivity and monitoring. Aside from this procurement we’re also programing the procurement of more protective gears to support our anti-drug operations,” ani Gamboa.