Idinepensa ng Malacañang ang reappointment nina Bureau of Customs o BOC Deputy Commissioners Ariel Nepomuceno at Teddy Raval.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng lumabas sa mga imbestigasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso, Department of Justice o DOJ at maging ng Malacañang na walang kinalaman sina Nepomuceno at Raval sa pagkakapuslit ng 6.4 billion pesos shabu shipment sa bansa.
Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nepomuceno sa Customs noong Nobyembre 8 habang si Raval ay ni-reappoint noong nakaraang buwan, ilang buwan matapos silang maghain ng resignation.
Ang dalawang opisyal ay kabilang sa mga binanggit ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang privilege speech na tumanggap ng suhol sa BOC.
Magugunita namang itinalaga ni Pangulong Duterte ang dalawa pang sangkot sa anomalya sa BOC na sina Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo sa Department of Transportation o DOTr.
—-