Hihingin ng bagong Philippine Military Academy (PMA) Superintendent na si Rear Admiral Allan Cusi ang tulong ng Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAA) sa pagpapatupad ng mga reporma sa Akademiya.
Iyan ang inihayag ni Cusi matapos ang pormal niyang pag-upo bilang bagong pinuno ng PMA kasunod ng pagbibitiw ni Lt/Gen. Ronnie Evangelista bunsod ng nangyaring kontrobersiya ng maltreatment kay Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Isinagawa kaninang umaga ang Change of Command Ceremony na sinaksihan ni AFP Chief of Staff Lt/Gen. Noel Clement na dati na ring nagsilbing Commandant of Cadets ng PMA.
You change the heart and the soul first by setting the best example for our cadets. That’s why its very critical to have the bvest of the best assigned here in PMA. I cannot do this alone. You’ll need everybody’s help on this (pagiging PMA Superintendent),” ani Cusi
Tututukan din ni Cusi ang paglilinang sa karakter ng mga kadete kasabay ng pagpapaunlad ng intellectuality ng mga ito sabay hamon sa mga kadete na maging huwaran sa isa’t isa.
Nais din ni Cusi na palitan na ang kultura ng PMA sa pagkakaroon ng nagkakaisang diwa gayundin ang kultura ng humility o pagpapakumbaba.
Yes, rank has its privileges, hindi po ba? tama naman kasi first class or general ka..But you have to remember…outside when you graduate, you have to humble yourself.. It’s entirely different ball game when you talk with the all stakeholders, local officials, and everything,” dagdag pa ni Cusi