Sinuspindi na ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon ng mga tracker teams na naatasang hanapin at arestuhin ang mga convicts ng heinous crimes na nabigong sumuko sa ibinigay na deadline ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, bagamat suspendido ang pag-aresto mananatili naman sa labas ang kanilang tracker teams upang i-monitor ang galaw ng mga hinahanap nilang convicts.
Sinabi ni Eleazar na target ng tracker teams ang may 170 nakalayang convicts na may address sa Metro Manila.
Mula anya nang magtapos ang deadline ay apat na convicts na napalaya dahil sa GCTA na ang kanilang naaresto.