Tiniyak ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) na matatangggap na ngayong buwan ng mga customer ng Maynilad ang rebate o balik bayad para sa kanilang konsumo sa tubig.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty, aabot sa P27.4 million ang magiging rebate o balik-bayad na magrereflect sa bill ng mga kumukunsumo ngayong buwan.
Matatandaang nagpataw ng multa ang MWSS sa maynilad dahil nilabag nito ang kontrata kung saan, nawalan ng konsumo sa tubig ang mga consumer.
Tiniyak naman ng kagawaran na kanilang babantayan ang magiging compliance o pagsunod ng Maynilad sa rebate program para sa mga customer na naapektuhan ng water interruption mula noong December 2022 hanggang January 2023 kung saan, apektado ang 2,000 households mula sa mga lungsod ng Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas maging ang mga bayan ng Bacoor, Imus, Rosario at Noveleta sa Cavite.