Naglunsad ng counter attack ang mga rebelde sa Idlib Province laban sa gobyerno ng Syria at mga kaalyado nito.
Kasunod naman ito ng pinaigting na opensiba ng Syrian government para labanan ang pag-atake ng Al Qaeda Affiliated Rebel na Nusra Font.
Sa ipinalabas na pahayag ng mga rebelde, nais nilang bawiin ang kanilang mga kuta sa Northeastern Hama at Southern Idlip na sinakop na ng gobyerno.
Dagdag pa ng mga rebelde, umabot na sa 60 mga government fighters ang kanilang nadakip at labinglimang mga villages ang nabawi.
Itinanggi naman ito ng Syrian government at sinabing bahagi lamang ng propaganda ang pahayag ng mga rebelde hinggil sa kanilang mga inilunsad na counter attacks.
—-