Inuumpisahan na ng Philippine National Police (PNP) ang accounting sa mga tauhan nitong nakatalaga sa mga pulitikong kakandidato sa halalan para magsilbing security detail.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/LtG. Dionardo Carlos nang ipag-utos nito ang recall sa mga police security detail bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.
Ayon kay Carlos, sa sandaling mailabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang guidelines hinggil dito ay saka pa lamang nila sisimulan ang recall.
Sa panayam naman ng DWIZ kay PNP Police Security and Protection Group o PSPG Spokesman P/Maj. Jackson Cases, may 71 mga opisyal ng Pamahalaan ang nabigyan ng security detail sa bansa.
Habang may 107 namang pribadong indibiduwal na binubuo ng mga dating opisyal ng Pamahalaan at iba pang kilalang personalidad ang kasalukuyang mayruon ding security detail mula sa PNP.
Yung mga private individuals po, pwede rin po silang mabigyan ng protective security personnel, same po ng proseso sa ating mga public officials. They have to apply po ng availment of protective security personnel then maga-undergo po sila ng threat assessment, titignan po natin kung may actual threat din po sa kanilang buhay and pagka naaprubahan po ni Chief PNP, same po, that’s the time na magpo-provide tayo ng protective security personnel sa kanila.” pahayag ni PSPG Spokesman P/Mej. Jackson Cases sa panayam ng DWIZ. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)