Muling nahalal bilang pangulo ng Turkey si Recep Tayyip Erdogan at kanyang ruling AK Party sa katatapos lamang na presidential at parliamentary elections.
Animnaraang (600) pwesto sa parliyamento ang nakuha ng ruling party matapos talunin ang limang iba pang partido.
Agad namang naglunsad ng victory party ang libu-libong supporter ni Erdogan sa kabisera na ankara maging sa Istanbul.
Taong 2014 nang mahalal si Erdogan para sa kanyang unang termino.
Si Erdogan ang nanguna sa pagpapalawak ng economic at military influence ng Turkey sa Middle East sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Russia, Iraq at Iran na indikasyon ng unti-unting paglamig ng relasyon sa Estados Unidos.
—-