Arestado ang isang reckless driver sa Bulacan na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property, violation of section 11 of RA 9165 o possesion of dangerous drug at violation of 10591 o illegal possession of ammunition o bala.
Ayon kay police colonel Charlie Cabradilla, acting provincial director of bulacan PNP nagngangalang Jomar Idago, 25 taong gulang ang naturang suspek na residente ng Pasong Bangkal, San Ildefonso, Bulacan.
Hinabol ng mga pulis ang naturang suspek matapos nitong banggain ang ilang sasakyan at isang motorsiklo na nagsimula sa Mac Arthur highway, Balagtas na dumaan sa magkaibang barangay na nagpatuloy hanggang sa sumalpok sa bakod ng isang bakanteng lote sa balubad, bulakan na naging daan upang ito’y tuluyang maaresto.
Narekober sa suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu; drug paraphernalia ; 2 cellular phone; 1 pirasong live ammunition at 1 coin purse na kulay grey at puti.
Habang nasa kustodiya na ng Balagtas police station ang sasakyang ginamit ng suspek.