Inihayag ng Chinese Foreign Ministry na patapos na ang reclamation activity ng China sa West Philippine Sea partikular sa Spratly Island.
Ito’y sa kabila ng panawagan ng Estados Unidos at Pilipinas na itigil na ang reclamation sa pinag-aagawang teritoryo.
Kaugnay nito, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na hihintayin nila ang official confirmation hinggil dito.
Ipinagdiinan ni Jose na malaki na ang pinsala ng naturang aktibidad sa biodiversity at ecological balance sa West Philippine Sea.
By Meann Tanbio