Nakakuha ng kakampi ang gobyerno sa ipinaglalabang karapatan sa mga teritoryo sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.
Sinabi ni U.S. President Barack Obama na buo ang suporta ng kanyang gobyerno sa isinusulong na arbitration case ng Pilipinas laban sa China sa United Nations Arbitral Tribunal.
Sa joint press conference nina Obama at Pangulong Noynoy Aquino matapos ang kanilang bilateral meeting, kapwa inihayag ng mga ito na dapat tigilan na ng China ang ginagawang pag-aangkin ng mga teritoryo dahil banta ito sa katatagan ng rehiyong Asya.
Iginiit ni Obama na dapat mapayapang malutas ang hindi pagkakaintindihan sa West Philippine Sea nang naaayon sa batas.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring ipinaglalaban ng Pilipinas ang karapatan sa West Philippine Sea sa kabila ng malawakang reclamation activities na ginagawa ng China sa mga islang pag-aari ng bansa.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)