Muling nanawagan ang isang fisherfolk group na itigil ang reclamation activities sa Manila Bay, na nagdudulot ng panganib sa kapaligiran sa kabisera ng rehiyon at mga karatig na lalawigan.
Ayon kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakayang Pilipinas (PAMALAKAYA), Project Coordinator Aries Soledad, mariing nilang tinututulan ang reclamation project dahil nakakaapekto ito sa buhay at kabuhayan ng mga mangingisda.
Nagbabala rin ang grupo na maaaring magdulot ng matinding pagbaha ang nasabing proyekto sa Southern part ng Metro Manila.