Tuloy pa rin ang China sa ginagawa nitong land reclamation sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ito ay sa kabila ng pahayag ng Chinese Foreign Minister Wang Yi na dalawang taon na ang nakalipas simula nang itinigil ng China ang reclamation nito sa naturang dako.
Base sa inilabas na mga larawan ng International Think Tank na Asia Maritime Transparency Initiative nito lamang Agosto, nakuhanan ng satellite photo ang reclamation at pagtatayo ng mga istruktura sa Paracel Island na parehong inaangkin ng China at Vietnam.
Nakita sa larawan ang Tree Island na mayroon nang harbour, helipad at maging renewable infrastructure tulad ng wind turban.
Noong 2016, pilit kinokonekta ng China ang North Island at Middle Island sa pamamagitan ng land bridge ngunit winash-out ito ng bagyo.
Makikita sa bagong larawan na nakapagtayo na dito ng retaining wall at isang malaking gusali.
Sa kabuuan, tatlo sa mga isla ang nalagyan na ng harbour, lima ang may helipad habang ang pinakamalaking isla na Woody Island ay may malalaking harbour at helipad na mayroon pang airstrip at surface to air missile batteries.
By Rianne Briones