Ang mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea ay maaaring bahagi ng ‘Great Wall of the Seas’ plan na naglalayong barikadahan ang mga isla at katubigang kini-claim nito.
Ayon kay UP at National Defense College Professor Chester Cabalza, ang great wall ay maaaring umabot sa East China Sea kung saan kini-claim kapwa ng China at Japan ang Senkaku o Diaoyu Islands.
Binigyang diin ni Cabalza na malaking bahagi ng palitan ng kalakal ay sa pamamagitan nang pinag-aagawang bahagi ng katubigan at sinumang makaka-kontrol sa South China, East China at West Philippine Sea ay makakakuha ng malaking kapangyarihan at kayamanan.
Samantala, inihayag naman ni UP Institute for Maritime Affairs and The Law of the Sea Director Professor Jay Batongbacal na ang lighthouse projects ng China sa Calderon at Mabini Reefs ay magpapalakas sa claim nito sa West Philippine Sea at maging ang abilidad na i-monitor ang mga aktibidad sa area.
By Judith Larino