Ipinahinto ng Estados Unidos ang planong reclamation ng China sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, may 2016 nang makatanggap ang Pilipinas ng report mula sa Amerika na naglalayag na patungong Scarborough Shoal ang mga barge ng China na may lamang lupa at construction materials.
Pero nang sabihan aniya ng Amerika ang China na itigil ang planong reclamation ay sumunod ito.
Ayon kay Lorenzana, itinuturing ng Amerika at Pilipinas na red line ang Scarborough.
Sinabi ni Lorenzana na sa oras na galawin ito ng China, kokomprontahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China at ipiprisnta ang desisyon ng international court sa West Philippine Sea na pumapabor sa Pilipinas.
By Meann Tanbio |With Report from Jonathan Andal