Haharangin ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang anumang reclamation projects sa Manila Bay na posibleng makahadlang sa rehabilitasyon nito.
Ito ang naging pahayag ni DENR Undersecretary Benny Antiporda matapos mapaulat na kaya nililinis ang Manila Bay ay para bigyang daan ang reclamation.
Iginiit din ni Antiporda na wala pang iniisyu na anumang approval ng kahit anong reclamation projects sa Manila Bay si Secretary Roy Cimatu.
Hindi rin aniya makakalusot ang anumang reclamation projects hanggat wala itong clearance at environmental compliance certificate mula sa DENR.