May apela si Senate Committe on Environment Chairman Cynthia Villar sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ito’y may kaugnayan sa isinusulong na reclamation project ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa Wetland Park na nasa mga hangganan ng Parañaque at Las Piñas.
Ayon kay Villar, magdudulot ito ng matinding pagbaha hindi lamang sa dalawang nabanggit na lungsod maging sa ilang bayan sa lalawigan ng Cavite.
Makasisira rin aniya ito sa 35 ektaryang mangrove forest o mga bakawan na siyang tahanan ng mga isda sa Manila Bay at pinagkukunan ng kabuhayan ng may 30,000 mangingisda.
Giit pa ni Villar, isang protected area ang Parañaque – Las Piñas Wetland Park salig sa Republic Act 1038 o ang Expanded National Integrated Protected Areas System Act.