Napanalunan na ang record breaking na 2.04 billion dollar-jackpot prize sa powerball lottery sa California, USA.
Lumabas ang mapapalad na numero na 10, 33, 41, 47, 56 at powerball na 10.
Ayon sa Multi-State Lottery Association, nasa 1.9 billion dollars lamang ang jackpot prize ngunit lumago ito sa 2.4 billion dollars noong panahong ng drawing.
Papipiliin ang nanalo kung minsanan nitong kukunin ang premyo sa halagang 997.6 million dollars na lump sum ng cash o tatanggapin ang buong jackpot sa pamamagitan ng annuity sa loob ng 29 na taon.
Ayon sa tagapagsalita ng California Lottery na si Carolyn Becker, hindi pa kinukubra ng nanalo ang papremyo nito.
Samantala, nabigyan rin ng isang milyong dolyar ang may-ari ng gas station owner na si Joseph Chahayed na siyang nagbenta ng winning ticket. – sa panulat ni Hannah Oledan